Talambuhay – Salamin Ng Buhay Ng Bawat Tao

Si Gabriela Silang ay ang matapang na asawa ni Diego Silang. Nang mamatay ang asawa.,ipinagpatuloy nito ang himagsikan. Subalit nadakip ito sa Abra at pinatay ng mga Kastila sa paamagitan ng pagbitay nong Septyembre 20,1763.

Si Gabriela Silang ay ipinanganak bilang Maria Josefa Gabriela Cariño Silang noong Marso 19, 1731 sa Caniogan, Ilocos Sur Santa, Ilocos Sur. Siya ay ang pagpapakasal laban sa kanyang kagustuhan nang siya ay isa pa lamang menor de edad. Ang lahat ng mga pangyayaring iyon ay pawang kagustuhan lamang ng kanyang ama. Natupad ang nais ng ama ni Gabriela nang napunta kay Gabriela ang kayamanan ng kanyang asawa nang ito ay namatay at siya ay maagang nabiyuda.

Lumipas ang ilang taon at napangasawa naman ni Gabriela si Diego Silang. Magiting na lumaban si Diego sa mga Kastila at napalaya ang Vigan. Sila ay nanirahan sa Vigan magmula noong Setyembre, 1762, hanggang sa mamatay si Diego at muli nitong pagkabiyuda.

Ang naudlot na pakikipaglaban ni Diego Silang ay buong giting niyang ipinagpatuloy. Subalit sa kasamaang palad, ang kanyang puwersa ay nawalang laban sa libu-libong lakas ng mga Kastila at kawalan iteres ng mga Ingles nang nilagda ng kasunduan sa pagtatapos ng Pitong Taong Digmaan sa Paris noong Pebrero, 1763. Si Gabriela ay dinakip at binitay noong Setyembre 29, 1763. Siya ay tinaguriang Unang Babaing Heneral at Unang Babaing Martir dahil sa kanyang katapangan at kagitingan para sa kapakanan ng bayan.

Diego Silang

Taong 1730,ikaw-10 ng Disyembre nang ipinganak si Diego Silang sa bayan ng pangasinan. Siya ay anak-mahirap lamang kung kaya”t bata pa lang ay nanilbihan na sa Kura paroko ng lalawigan vigan. Mnsan ay inutusan ang batang si diego sa maynila. Ngunit ang malaking bangkay sinakyan niya ay nasira sa baybayin ng zambales nang dahil sa bagyo. Napadpad ang mga taong lulan ng bangkay sa isla kung saan dinakip sila ng mga ita na naninirahan doon. pinatay ng mga ita ang lahat maliban kay diego na ginawa nilang alipin. Matagal rin nanatili si diego sa pagsisili sa mga ita, hangang dumating ang isang kastila na may misyon sa lugar na iyon at tibubos siya. Muling naglingkod si diego biang utusan ng pari kung kaya”t muli siyang nauutusan sa Maynila. Septyembre ng taong 1762, nang dumating sa Maynila ang mga barko lulan ang mga kawal buhat sa Britanya. Ginera nila ang mga Kastila na isinuko ang Maynila sa mga bagong mananakop.

Nakita ng mga Pilipino ang kahirapan ng mga Kastila, at lalong nilang naisip na kaya rin nilang kalabanin ang mga ito.
At isa si Diego Silang sa mga naghimagsik laban sa mga Kastila. Bumalik siya sa Vigan at hinikayat ang mga kababaya na lumaban sa mga Kastila na Noong Disyembre 1762 ay pinalayas ni Diego Silang at ng kanyang mga kawal ang mga opisyales na Kastila na namumuno sa Ilocos Sur. at mula noon ay hindi na sila nagbayad ng buwis. Sumama na rin ang mga kalapit na lalawigan ng Ilocos Sur sa himagsikang iyon.

Kaya naman sa pagbabalik ni Silang sa Pangasinan, siya at ang kanyang mga kaanak ay nag-isip ng planong paghihimagsik laban sa mga Kastila. Sumama siya sa isang kaanak at nagpunta sa Vigan upang simulan ang pag-aalsa. Nagtatag siya ng isang samahan upang tuluyang mapabagsak ang Pamahalaang Kastila.

Hindi naglaon, nagkaroon ng sunod-sunod na pag-aalsa sa Pangasinan, Cagayan, Laguna, at Batangas. Dahil sa nalaman ng mga maykapangyarihan ang nangyayaring pag-aalsa, hinuli si Diego at ipiniit. Sa kanyang muling paglaya, nagsagawa siyang muli ng mga rebelyon at dumami ang kanyang mga kapanalig. Noong 14 Disyembre 1762, matagumpay nilang sinakay ang Vigan at ipinahayag na malaya ang Ilokos.

Palaging nabibigo ang mga Kastila na pabagsakin ang hukbo nila Diego Silang kung kaya”t sila umupa ng isang tao na magta-traydor kay Diego. Ang taong iyon ay si Vicos, isang mestico at nagkunwaring isang kaibigan. Nang minsang nakatalikod si Diego Silang ay binaril niya ito at dagli nang tumakas.

Para sa karagdagang talambuhay, bumisita sa: http://www.filipinotalambuhay.com

~ by mirksmith on June 17, 2010.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: