Sanaysay – Maikling Buod Ng Kaisipan ng Tao


Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.

Dalawang uri ng sanaysay

Pormal o Maanyo

Ang sanaysay na pormal o maanyo – sanaysay na tinatawag din na impersonal – kung ito’y maimpormasyon. Naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay.Maanyo rin ito kung turingan sapagkat ito’y talagang pinag-aaralan. Maingat na pinili ang pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan kasi kaya makahulugan, matalinhaga , at matayutay. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito ay seryoso, paintelektuwal, at walang halong pagbibiro.

impormal o di pormal

Ang sanaysay na impormal o di-pormal ay mapang-aliw, nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksang karaniwan, pang araw-araw at personal o isyung maaaring magpakilala ng personalidad ng manunulat o pakikisangkot niya sa mga mambabasa. Idinidiin nito dito ang mga bagay-bagay ,mga karanasan ,at mga isyung bukod sa kababakasan ng personalidad ng may-akda ay maaaring empatihayan o kasangkutan ng mambabasang medya. Ang pananalita ay parang pinaguusapan lamang, parang usapan lamang ng magkakaibigan ang may-akda, ang tagapagsalita at mga mambabasa at ang tagapakinig , kaya magaan at madaling maintindihan. Palakaibigan ang tono nito kaya pamilyar ang tono dahil ang paunahing gamit ay unang panauhan. Subhektibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang pananaw.

Para Sa Karagdagang Kaalaman,bumisita sa: http://www.sanaysay.org

~ by mirksmith on June 17, 2010.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: